Talinghaga
Isang pangkaraniwang kuwento na ginagamit upang ilarawan at ituro ang espirituwal na katotohanan o alituntunin. Ang talinghaga ay batay sa paghahambing ng karaniwang bagay o pangyayari sa isang katotohanan, at ang pinagbabatayang kahulugan o pahatid ng talinghaga ay madalas na nakukubli sa mga tagapakinig na hindi pa espirituwal na handa upang tanggapin ito (Mat.13:10–17).
Madalas magturo ng talinghaga si Jesus. Para sa talaan ng kanyang mga pangunahing talinghaga, Tingnan sa “Ebanghelyo, Mga.”