Malalim na pagmamalasakit at pagmamahal. Nasasaklaw ng pag-ibig sa Diyos ang pagmamalasakit, pagsamba, pitagan, pagkamagiliw, awa, pagpapatawad, pagkahabag, kaluwagang-loob, paglilingkod, pagtanaw ng utang na loob, kabaitan. Ang pinakadakilang halimbawa ng pag-ibig ng Diyos sa kanyang mga anak ay matatagpuan sa walang katapusang pagbabayad-sala ni Jesucristo.
Gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanlibutan, na ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, Juan 3:16 (D at T 138:3 ).
Kayo ay mag-ibigan sa isa’t isa, na gaya ng pag-ibig ko sa inyo, Juan 13:34 (Juan 15:12, 17 ; Moi. 7:33 ).
Kung ako’y inyong iniibig, ay sundin ninyo ang aking mga kautusan, Juan 14:15 (D at T 42:29 ).
Walang may lalong dakilang pag-ibig kaysa rito, na ibigay ng isang tao ang kanyang buhay dahil sa kanyang mga kaibigan, Juan 15:13 .
Pedro, iniibig mo ba ako ng higit kaysa mga ito? Pakainin mo ang aking mga tupa, Juan 21:15–17 .
Walang maghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na na kay Cristo, Rom. 8:35–39 .
Hindi nakita ng mata ang mga bagay na inihanda ng Diyos sa kanila na nagmamahal sa kanya, 1Â Cor. 2:9 .
Sa pamamagitan ng pag-ibig ay mangaglingkuran kayo, Gal. 5:13 .
Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, Ef. 5:25 (Col. 3:19 ).
Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan, 1Â Juan 2:15 .
Diyos ay pag-ibig, 1Â Juan 4:8 .
Tayo’y nagsisiibig sa kanya, sapagkat siya’y unang umibig sa atin, 1 Juan 4:19 .
Magdurusa si Cristo dahil sa kanyang mapagkandiling pagmamahal sa mga tao, 1Â Ne. 19:9 .
Magpatuloy sa paglakad nang may pag-ibig sa Diyos at sa lahat ng tao, 2Â Ne. 31:20 .
Turuan ang inyong mga anak na mahalin ang isa’t isa at paglingkuran ang isa’t isa, Mos. 4:15 .
Kung inyo nang nadama ang umawit ng awit ng mapantubos na pag-ibig, nadarama ba ninyo ang gayon ngayon? Alma 5:26 .
Akayin ng Banal na Espiritu, magiging mapagtiis, puspos ng P-ibig, Alma 13:28 .
Pigilin ang lahat ng iyong silakbo ng damdamin, upang mapuspos ka ng pagmamahal, Alma 38:12 .
Hindi nagkaroon ng alitan sa lupain, dahil sa pag-ibig sa Diyos na nananahan sa mga puso ng tao, 4Â Ne. 1:15 .
Lahat ng bagay na nag-aanyayang ibigin ang Diyos ay pinapatnubayan ng Diyos, Moro. 7:13–16 .
Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay dalisay na pag-ibig ni Cristo, Moro. 7:47 .
Ang ganap na pag-ibig ay nagwawaksi ng lahat ng takot, Moro. 8:16 (1Â Juan 4:18 ).
Pag-ibig ang nagbibigay-karapatan sa tao na gumawa sa gawain ng Diyos, D at T 4:5 (D at T 12:8 ).
Ang pagpapabanal ay dumarating sa lahat ng yaong nagmamahal at naglilingkod sa Diyos, D at T 20:31 .
Kung mahal ninyo ako, paglingkuran ako at sundin ang aking mga kautusan, D at T 42:29 (Juan 14:15 ).
Magpakita ng ibayong pagmamahal sa mga yaong inyong tinama o pinagsabihan, D at T 121:43 .