Paggalang Tingnan din sa Karangalan; Takot Taos na pagpipitagan para sa mga banal na bagay; kamangha-mangha. Inutusan ng Panginoon si Moises na alisin ang kanyang panyapak, sapagkat ang kanyang kinatatayuan ay banal na lupa, Ex. 3:4–5. Isang Diyos na kinatatakutan at iginagalang, Awit 89:7. Makapaghahandog tayo nang may paggalang at katakutan ng paglilingkod na nakalulugod sa Diyos, Heb. 12:28. Iniyukod ni Moroni ang kanyang sarili sa lupa, at nanalangin nang mataimtim, Alma 46:13. Ang makapal na tao ay nagsiyukod sa lupa at sinamba si Cristo, 3 Ne. 11:12–19. Luluhod sa harapan ko, D at T 5:24. Sa harapan ng luklukan ng Diyos ang lahat ng bagay ay yumuyukod sa pagpipitagan, D at T 76:93. Naging madilim ang inyong mga isipan sapagkat winalang-kabuluhan ninyo ang mga bagay na inyong tinanggap, D at T 84:54–57. Ang bawat tuhod ay luluhod at ang bawat dila ay magtatapat, D at T 88:104. Bilang paggalang o pagpitagan sa pangalan ng Pinakamakapangyarihang Lumikha, tinawag ng Simbahan ang pagkasaserdoteng yaon alinsunod kay Melquisedec, D at T 107:4. Ang mga pagpapala ay ibubuhos sa mga yaong nagpipitagan sa Panginoon sa kanyang bahay, D at T 109:21.