Ana (Lumang Tipan)
Ang ina ni Samuel, na isang propeta sa Lumang Tipan. Ibinigay ng Panginoon si Samuel kay Ana bilang kasagutan sa kanyang mga panalangin (1 Sam. 1:11, 20–28). Inilaan ni Ana si Samuel sa Panginoon. Ang kanyang awit ng pasasalamat ay maaaring ihalintulad doon sa pasasalamat ni Maria, ang ina ni Jesus (1 Sam. 2:1–10; Lu. 1:46–55).