Mga Tulong sa Pag-aaral
Mateo


Mateo

Isang Apostol ni Jesucristo at may-akda ng unang aklat sa Bagong Tipan. Si Mateo, isang Judio na tagasingil ng buwis para sa mga Romano sa Capernaum, marahil ay naglilingkod kay Herodes Antipas. Siya ay kilala bilang isang Levi bago siya nagbalik-loob, na anak ni Alfeo (Mar. 2:14). Matapos siyang tawagin bilang isang disipulo ni Jesus, nagbigay siya ng piging kung saan ay dumalo ang Panginoon (Mat. 9:9–13; Mar. 2:14–17; Lu. 5:27–32). Si Mateo marahil ay may malawak na kaalaman sa mga banal na kasulatan ng Lumang Tipan at nakitang natupad ang propesiya ukol sa buhay ng Panginoon. Kaunti lamang ang mababatid sa kanyang huling buhay. Isang tradisyon ang nagsasabing siya ay namatay na martir.

Ang Ebanghelyo ni Mateo

Ang unang aklat sa Bagong Tipan. Marahil ang Ebanghelyo ni Mateo sa simula ay isinulat para sa mga Judio sa Palestina. Ito ay gumagamit ng maraming sipi mula sa Lumang Tipan. Ang pangunahing layunin ni Mateo ay ipakita na si Jesus ang Mesiyas na siyang tinutukoy ng mga propeta sa Lumang Tipan. Kanyang binigyang-diin din na si Jesus ang Hari at Hukom ng mga tao.

Para sa buod ng kabanata, Tingnan sa Ebanghelyo, Mga.