Pagsasalita nang Masama Tingnan din sa Alingawngaw; Kaguluhan; Pagsisinungaling; Tsismis Pagsasalita ng mga bagay na mali, nakasasakit, at masama. Madalas sa banal na kasulatan ang gayong pagsasalita ay pinatutungkol sa isang tao na may hangaring makasakit. Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama, Awit 34:13 (1 Ped. 3:10). Humuhukay ang isang makasalanang tao ng masama, Kaw. 16:27. Pinagpala kayo kung ang mga tao ay magsasalita ng lahat ng uri ng masama laban sa inyo na hindi totoo, Mat. 5:11 (3 Ne. 12:11). Sa puso nanggagaling ang masasamang pag-iisip, Mat. 15:19 (Mar. 7:21). Huwag kang magsasalita ng masama sa pinuno, Gawa 23:5. Hayaang ang lahat ng masasamang pagsasalita ay maalis mula sa inyo, Ef. 4:31. Huwag magsalita nang masama sa isa’t isa, Sant. 4:11. Tiyakin na walang paninirang puri, ni pagsasalita ng masama, D at T 20:54.