Mga Tulong sa Pag-aaral
Pagkahulog nina Adan at Eva


Pagkahulog nina Adan at Eva

Ang paraan kung saan ang sangkatauhan ay naging mortal sa mundong ito. Nang kainin nina Adan at Eva ang ipinagbabawal na bungang-kahoy, sila ay naging mortal, sa gayon, ay napasailalim sa kasalanan at kamatayan. Si Adan ang “unang tao” sa mundo (Moi. 3:7). Niliwanag ng paghahayag sa huling araw na ang Pagkahulog ay isang pagpapala at sina Adan at Eva ay dapat na purihin bilang unang magulang ng buong sangkatauhan.

Ang pagkahulog ay isang mahalagang hakbang sa pag-unlad ng tao. Dahil alam ng Diyos na magaganap ang pagkahulog, nagplano siya sa buhay bago pa ang buhay na ito ng isang Tagapagligtas. Dumating si Jesucristo sa kalagitnaan ng panahon upang magbayad-sala sa pagkahulog ni Adan at gayon din sa mga kasalanan ng bawat tao kung ang tao ay magsisisi.