Taong Nagbagong-kalagayan, Mga Mga tao na nagbago upang hindi nila maranasan ang sakit o kamatayan hanggang sa kanilang pagkabuhay na mag-uli sa kawalang-kamatayan. Lumakad si Enoc na kasama ng Diyos: at hindi siya nasumpungan, sapagkat kinuha siya ng Diyos, Gen. 5:24 (Heb. 11:5; D at T 107:48–49). Walang taong nakaaalam ng libingan ni Moises hanggang sa araw na ito, Deut. 34:5–6 (Alma 45:19). Umakyat si Elijah sa pamamagitan ng buhawi patungo sa langit, 2 Hari 2:11. Kung ibig kong siya’y manatili hanggang sa ako’y pumarito, ay ano nga sa iyo? Juan 21:22–23 (D at T 7:1–3). Hindi kayo kailanman makatitikim ng kamatayan, 3 Ne. 28:7. Upang hindi sila makatikim ng kamatayan ay may ginawang pagbabago sa kanilang mga katawan, 3 Ne. 28:38 (4 Ne. 1:14; Morm. 8:10–11). Mabubuhay ang Pinakamamahal na si Juan hanggang sa pagparito ng Panginoon, D at T 7. Ako ang kumuha ng Sion ni Enoc sa aking sariling sinapupunan, D at T 38:4 (Moi. 7:21, 31, 69). Si Enoc at ang kanyang mga kapatid ang lunsod na inilaan hanggang sa araw ng kabutihan, D at T 45:12. Dinala si Elijah sa langit nang hindi nakatikim ng kamatayan, D at T 110:13. Ang Espiritu Santo ay tumahan sa marami, at sila ay dinala sa Sion, Moi. 7:27.