Ang kapahintulutang ipinagkaloob sa tao sa mundo na tinawag o inordenan upang kumilos para kay at alang-alang sa Diyos Ama o Jesucristo sa paggawa ng gawain ng Diyos.
Binigyan niya ng kapangyarihan ang labindalawang disipulo, Mat. 10:1 .
Ako’y hindi ninyo pinili, ngunit kayo’y pinili ko, at inorden kayo, Juan 15:16 .
Nangaral sina Nephi at Lehi nang may dakilang karapatan, Hel. 5:18 .
Si Nephi, na anak ni Helaman, ay isang tao ng Diyos, na may dakilang kapangyarihan at karapatan mula sa Diyos, Hel. 11:18 (3Â Ne. 7:17 ).
Nagbigay si Jesus ng kapangyarihan at karapatan sa labindalawang Nephita, 3 Ne. 12:1–2 .
Si Joseph Smith ay tinawag ng Diyos at inordenan, D at T 20:2 .
Walang sinumang mangangaral ng aking ebanghelyo o magtatatag ng aking simbahan maliban sa siya ay inordenan at alam sa simbahan na siya ay may karapatan, D at T 42:11 .
Ipangangaral ng mga elder ang ebanghelyo, gumaganap nang may karapatan, D at T 68:8 .
Ang Pagkasaserdoteng Melquisedec ay may karapatang mamahala sa mga espirituwal na bagay, D at T 107:8, 18–19 .
Anuman ang ginawa ng may banal na karapatan ay nagiging batas, D at T 128:9 .