Ang maging maamo at madaling turuan, o ang kalagayan ng pagiging maamo at madaling turuan. Sinasaklaw ng pagpapakumbaba ang pagkilala ng ating pag-asa sa Diyos at paghahangad na mapasailalim sa kanyang kalooban.
Inakay kayo ng Diyos ng apatnapung taon sa ilang upang magpakumbaba kayo, Deut. 8:2 .
Ipinakumbaba ko ang aking kaluluwa nang may pag-aayuno, Awit 35:13 .
Higit na mabuti ang isang maralita at marunong na bata kaysa matanda at hangal na hari, Ec. 4:13 .
Nananahan ang Panginoon sa kanya na mapagpakumbaba, Is. 57:15 .
Sinuman ang magpapakumbaba ng kanyang sarili katulad ng batang ito, ay pinakadakila rin sa kaharian ng langit, Mat. 18:4 .
Siya na nagpapakumbaba ng kanyang sarili ay itataas, Mat. 23:12 (Lu. 14:11 ; 18:14 ).
Ibinaba ni Jesus ang kanyang sarili at naging masunurin hanggang kamatayan, Fil. 2:8 (Lu. 22:42 ; 23:46 ).
Ang Diyos ay sumasalangsang sa mga palalo, at nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba, 1 Ped. 5:5–6 (2 Ne. 9:42 ).
Magpakumbaba kayo hanggang sa kailaliman ng pagpapakumbaba, Mos. 4:11 (2Â Ne. 9:42 ; 3Â Ne. 12:2 ).
Kayo ba ay naging sapat na mapagpakumbaba? Alma 5:27–28 .
Tumibay nang tumibay sa kanilang pagpapakumbaba ang higit na mapagpakumbabang bahagi ng mga tao, Hel. 3:33–35 .
Ako ay nagbibigay ng kahinaan sa mga tao upang sila ay magpakumbaba, Eter 12:27 .
Ang pagpapakumbaba ay kinakailangan sa pagbibinyag, D at T 20:37 .
Magpakumbaba kayo sa harapan ko at inyo akong makikita at makilala na ako nga, D at T 67:10 .
Maging mapagpakumbaba ka at bibigyan ka ng Panginoon ng kasagutan sa iyong mga panalangin, D at T 112:10 .
Siya na walang alam ay matuto ng karunungan sa pamamagitan ng pagpapakumbaba ng kanyang sarili, D at T 136:32 .
Isinusugo ang Espiritu upang bigyang-liwanag ang mapagpakumbaba, D at T 136:33 .