Olibo, Bundok ng mga
Isang burol sa silangan ng lambak ng Kidron, silangan ng Jerusalem. Sa kanlurang libis nito, malapit sa ilalim, ay halamanan ng Getsemani. Matatagpuan ang Betfage at Betania sa ibabaw at silangang libis. Ang bundok na ito ay pook ng maraming pangyayaring biblikal (Mat. 24:3) at magiging mahalagang pook din sa mga pangyayari sa mga huling araw (Zac. 14:3–5; D at T 45:48–54; 133:20).