Cronica, Mga
Dalawang aklat sa Lumang Tipan. Naglalaman ito ng isang maikling kasaysayan ng mga pangyayari mula sa Paglikha hanggang sa paghahayag ni Ciro ng pagpapahintulot sa mga Judio upang bumalik sa Jerusalem.
Unang Mga Cronica
Natatala sa mga kabanata 1–9 ang talaangkanan mula kay Adan hanggang kay Saul. Isinasalaysay ng kabanata 10 ang pagkamatay ni Saul. Binabakas ng mga kabanata 11–12 ang mga pangyayari na may kaugnayan sa paghahari ni David. Ipinaliliwanag ng mga kabanata 23–27 na ginawang hari si Solomon at isinaayos ang mga Levita. Ipinaliliwanag ng kabanata 28 na inutusan ni David si Solomon na magtayo ng templo. Natatala sa kabanata 29 ang pagkamatay ni David.
Ikalawang Mga Cronica
Binabakas ng mga kabanata 1–9 ang mga pangyayaring may kaugnayan sa paghahari ni Solomon. Nasasaad sa mga kabanata 10–12 ang tungkol sa paghahari ng anak ni Solomon na si Rehoboam, kung kailan ang nagkakaisang kaharian ng Israel ay nahati sa hilaga at timog kaharian. Inilalarawan sa mga kabanata 13–36 ang paghahari ng iba’t ibang hari hanggang sa panahong masakop ang kaharian ng Juda ni Nabucodonosor. Nagwawakas ang aklat sa batas na ipinalabas ni Ciro na makababalik na ang mga nabihag na anak ni Juda sa Jerusalem.