Mga Tulong sa Pag-aaral
Espiritu


Espiritu

Yaong bahagi ng buhay na nilalang na nabuhay na bago pa man isilang, na nananahan sa katawang pisikal sa buhay na ito, at mananatili pagkaraan ng kamatayan bilang nahihiwalay na nilalang hanggang sa pagkabuhay na mag-uli. Lahat ng may buhay—sangkatauhan, mga hayop, at halaman—ay mga espiritu bago pa nagkaroon ng anumang bagay na may buhay sa ibabaw ng lupa (Gen. 2:4–5; Moi. 3:4–7). Ang espiritung katawan ay kawangis ng katawang pisikal (1 Ne. 11:11; Eter 3:15–16; D at T 77:2; D at T 129). Ang espiritu ay bagay, subalit ito’y mas pino o dalisay kaysa elemento ng tao o bagay (D at T 131:7).

Ang bawat tao ay ganap na anak na lalaki’t babae ng Diyos, bilang mga espiritung isinilang sa mga Magulang sa Langit bago isilang sa mga magulang na may kamatayan sa lupa (Heb. 12:9). Ang bawat tao sa lupa ay may katawang espiritu na walang kamatayan bukod sa katawan na may laman at buto. Tulad ng minsang ipinaliwanag sa banal na kasulatan, ang magkasamang espiritu at katawan ang bumubuo ng kaluluwang may buhay (Gen. 2:7; D at T 88:15; Moi. 3:7, 9, 19; Abr. 5:7). Maaaring mabuhay ang espiritu nang walang katawan, subalit ang katawan ay hindi maaaring mabuhay kung walang espiritu (Sant. 2:26). Ang paghihiwalay ng espiritu mula sa katawan ay pisikal na kamatayan. Sa pagkabuhay na mag-uli, ang espiritu ay sasamang muli sa dati ring katawang pisikal na may laman at buto na inangkin nito bilang isang mortal, na may dalawang pangunahing kaibahan: hindi na sila muling maghihiwalay kailanman, at ang katawang pisikal ay magiging walang kamatayan at magiging ganap (Alma 11:45; D at T 138:16–17).

Masasamang Espiritu