Mamili, Namili, Pumili Tingnan din sa Kalayaang Mamili; Malaya, Kalayaan; Tawag, Tinawag ng Diyos, Pagkakatawag Kapag pumipili ang Panginoon, o namimili, ng isang tao o pangkat, karaniwan ding tinatawag niya sila na maglingkod. Piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran, Jos. 24:15 (Alma 30:8; Moi. 6:33). Ako ay nakipagtipan sa aking pinili, Awit 89:3. Pinili kita mula sa hurno ng paghihirap, Is. 48:10 (1 Ne. 20:10). Marami ang tinawag, subalit kakaunti ang pinili, Mat. 22:14 (Mat. 20:16; D at T 95:5; 121:34, 40). Ako’y hindi ninyo pinili, ngunit kayo’y pinili ko, Juan 15:16. Pinili ng Diyos ang mga mangmang ng daigdig upang lituhin ang marurunong, 1 Cor. 1:27. Pinili niya tayo bago pa man ang pagkakatatag ng daigdig, Ef. 1:4. Ang mga banal ay isang piling salinlahi, isang makaharing pagkasaserdote, 1 Ped. 2:9. Tayo ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan o pagkabihag at kamatayan, 2 Ne. 2:27. Ang mga maharlika at dakila ay pinili sa simula, D at T 138:55–56. Ang Israel ay pinili ng Diyos, Moi. 1:26. Si Cristo ang Minamahal ng Diyos at Pinili mula pa sa simula, Moi. 4:2. Si Abraham ay pinili bago pa man siya isinilang, Abr. 3:23.