Magnakaw, Pagnanakaw Pagkuha ng anuman sa ibang tao nang walang katapatan o labag sa batas. Tuwinang ipinag-uutos ng Panginoon sa kanyang mga anak na huwag magnakaw (Ex. 20:15; Mat. 19:18; 2 Ne. 26:32; Mos. 13:22; D at T 59:6). Kayo’y mangagtipon ng mga kayamanan sa langit, doo’y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw, Mat. 6:19–21. Sumapit ang pagkatalo ng mga Nephita dahil sa kapalaluan, mga yaman, panloloob, pagnanakaw, Hel. 4:12. Siya na nagnanakaw at hindi magsisisi ay ititiwalag, D at T 42:20. Yaong mga nagnanakaw ay isusuko sa batas ng lupain, D at T 42:84–85.