Mga Tulong sa Pag-aaral
Dispensasyon


Dispensasyon

Ang dispensasyon ng ebanghelyo ay isang itinakdang panahon kung kailan tumatawag ang Panginoon ng kahit isa man lamang na tagapaglingkod na binigyang-karapatan sa mundo na nagtataglay ng mga susi ng banal na pagkasaserdote.

Bawat isa kina Adan, Enoc, Noe, Abraham, Moises, Jesucristo, Joseph Smith, at iba pa ay nagpasimula ng bagong dispensasyon ng ebanghelyo. Kapag nagsasaayos ang Panginoon ng isang dispensasyon, ang ebanghelyo ay muling ipinahahayag nang sa gayon ang mga tao ng dispensasyong iyon ay hindi kinakailangang umasa sa mga lumipas na dispensasyon upang magkaroon ng kaalaman tungkol sa plano ng kaligtasan. Ang dispensasyong sinimulan ni Joseph Smith ay kilala bilang “dispensasyon ng kaganapan ng panahon.”