Karumal-dumal, Karumal-dumal na Gawa Tingnan din sa Kasalanan Sa mga banal na kasulatan, anumang bagay na nagdudulot ng pagkamuhi at pagkapoot sa mabubuti at dalisay. Ang mga sinungaling na labi ay karumal-dumal sa Panginoon, Kaw. 12:22. Ang kapalaluan ay karumal-dumal sa paningin ng Panginoon, Jac. 2:13–22. Nakatalaga ang masasama sa pagtanaw sa sarili nilang karumal-dumal na gawa, Mos. 3:25. Ang kahalayan ang pinakakarumal-dumal sa lahat ng kasalanan maliban sa pagpaslang at pagtatwa sa Espiritu Santo, Alma 39:3–5. Ang galit ng Panginoon ay nagsisiklab laban sa kanilang mga karumal-dumal na gawa, D at T 97:24.