Tingnan din sa Ahas, Tansong ; Ako ; Alpha at Omega ; Anak ng Tao ; Bato ; Batong Panulok ; Bayad-sala, Pagbabayad-sala ; Biyaya ; Budhi ; Buhay na Tubig ; Daan ; Diyos, Panguluhang Diyos ; Dugo ; Ebanghelyo, Mga ; Emmanuel ; Golgota ; Hain ; Ikalawang Pagparito ni Jesucristo ; Ilaw, Liwanag ni Cristo ; Isinilang ; Jehova ; Kapatawaran ng mga Kasalanan ; Kasintahang Lalaki ; Kordero ng Diyos ; Krus ; Likha, Paglikha ; Mabuting Pastol ; Magsisi, Pagsisisi ; Mang-aaliw ; Manunubos ; Maria, Ina ni Jesus ; Mesiyas ; Pag-akyat sa Langit ; Pagbabagong-anyo—Pagbabagong-anyo ni Cristo ; Pagkabuhay na Mag-uli ; Pagkahulog nina Adan at Eva ; Pagpapako sa Krus ; Pananampalataya ; Panganay ; Pangangaral sa Bundok ; Panginoon ; Pinahiran, Ang ; Plano ng Pagtubos ; Sakramento ; Simula ; Tagapagligtas ; Tagapamagitan ; Tinapay ng Buhay ; Tubos, Tinubos, Pagtubos ; Walang Katapusan
Cristo (isang salitang Griyego) at Mesiyas (isang salitang Hebreo) ay nangangahulugang “ang pinahiran.” Panganay si Jesucristo ng Ama sa espiritu (Heb. 1:6 ; D at T 93:21 ). Siya ang Bugtong na Anak ng Ama sa laman (Juan 1:14 ; 3:16 ). Siya ang Jehova (D at T 110:3–4 ) at inordenan sa simula pa sa kanyang dakilang tungkulin bago pa sa paglikha ng daigdig. Sa ilalim ng pamamatnubay ng Ama, nilikha ni Jesus ang mundo at ang lahat ng naroon (Juan 1:3, 14 ; Moi. 1:31–33 ). Isinilang siya kay Maria sa Betlehem, namuhay nang buhay na walang pagkakasala, at nagsagawa ng isang ganap na pagbabayad-sala para sa mga kasalanan ng buong sangkatauhan sa pamamagitan ng pagbubuhos ng kanyang dugo at pag-aalay ng kanyang buhay sa krus (Mat. 2:1 ; 1 Ne. 11:13–33 ; 3 Ne. 27:13–16 ; D at T 76:40–42 ). Bumangon siya mula sa mga patay, sa gayon tiniyak ang pagkakaroon ng pagkabuhay na mag-uli ng buong sangkatauhan. Sa pamamagitan ng pagbabayad-sala at pagkabuhay na mag-uli ni Jesus, ang mga yaong nagsisisi ng kanilang mga kasalanan at sumusunod sa mga kautusan ng Diyos ay maaaring manahanan magpakailanman kasama si Jesus at ang Ama (2 Ne. 9:10–12 ; 21–22 ; D at T 76:50–53, 62 ).
Si Jesucristo ang pinakadakilang Nilikha na isinilang sa mundong ito. Ang kanyang buhay ay ganap na halimbawa kung paano dapat mabuhay ang buong sangkatauhan. Dapat isagawa ang lahat ng panalangin, pagbabasbas, at ordenansang pagkasaserdote sa kanyang pangalan. Siya ang Panginoon ng mga panginoon, ang Hari ng mga hari, ang Tagapaglikha, ang Tagapagligtas, at ang Diyos ng buong mundo.
Paparito muli si Jesucristo sa kapangyarihan at kaluwalhatian upang maghari sa mundo sa panahon ng Milenyo. Sa huling araw, hahatulan niya ang buong sangkatauhan (Alma 11:40–41 ; JS—M 1 ).
Ang buod ng kanyang buhay (sa pagkasunud-sunod na mga pangyayari)
Ibinadya ang pagsilang at misyon ni Jesus, Lu. 1:26–38 (Is. 7:14 ; 9:6–7 ; 1 Ne. 11 ).
Isinilang, Lu. 2:1–7 (Mat. 1:18–25 ).
Tinuli, Lu. 2:21 .
Dinala sa Templo, Lu. 2:22–38 .
Dinalaw ng mga lalaking paham, Mat. 2:1–12 .
Tumakas sina Jose at Maria kasama siya patungo sa Egipto, Mat. 2:13–18 .
Dinala sa Nazaret, Mat. 2:19–23 .
Dinalaw ang templo sa gulang na labindalawa, Lu. 2:41–50 .
May mga kapatid na lalaki at babae, Mat. 13:55–56 (Mar.6:3 ).
Bininyagan, Mat. 3:13–17 (Mar. 1:9–11 ; Lu. 3:21–22 ).
Tinukso ng diyablo, Mat. 4:1–11 (Mar. 1:12–13 ; Lu. 4:1–13 ).
Tinawag ang kanyang mga disipulo, Mat. 4:18–22 (Mat. 9:9 ; Mar. 1:16–20 ; 2:13–14 ; Lu. 5:1–11, 27–28 ; 6:12–16 ; Juan 1:35–51 ).
Inatasan ang labindalawa, Mat. 10:1–4 (Mar. 3:13–19 ; Lu. 6:12–16 ).
Ibinigay ang Pangaral sa Bundok, Mat. 5–7 .
Ibinadya ang kanyang sariling kamatayan at pagkabuhay na mag-uli, Mat. 16:21 (Mat. 17:22–23 ; 20:17–19 ; Mar. 8:31 ; 9:30–32 ; 10:32–34 ; Lu. 9:22 ; 18:31–34 ).
Nagbagong-anyo, Mat. 17:1–9 (Mar. 9:2–8 ; Lu. 9:28–36 ).
Isinugo ang pitumpu, Lu. 10:1–20 .
Ginawa ang kanyang matagumpay na pagpasok sa Jerusalem, Mat. 21:1–11 (Mar. 11:1–11 ; Lu. 19:29–40 ; Juan 12:12–15 ).
Pinasimulan ang sakramento, Mat. 26:26–29 (Mar. 14:22–25 ; Lu. 22:19–20 ).
Nagdusa at nanalangin sa Getsemani, Mat. 26:36–46 (Mar. 14:32–42 ; Lu. 22:39–46 ).
Pinagkanulo, hinuli at itinakwil, Mat. 26:47–56 (Mar. 14:43–53 ; Lu. 22:47–54 ; Juan 18:2–13 ).
Ipinako sa krus, Mat. 27:31–54 (Mar. 15:20–41 ; Lu. 23:26–28, 32–49 ; Juan 19:16–30 ).
Nabuhay na mag-uli, Mat. 28:1–8 (Mar. 16:1–8 ; Lu. 24:1–12 ; Juan 20:1–10 ).
Nagpakita pagkatapos ng kanyang pagkabuhay na mag-uli, Mat. 28:9–20 (Mar. 16:9–18 ; Lu. 24:13–48 ; Juan 20:11–31 ; Gawa 1:3–8 ; 1 Cor. 15:5–8 ).
Umakyat sa langit, Mar. 16:19–20 (Lu. 24:51–53 ; Gawa 1:9–12 ).
Ibinigay ko sa inyo ang isang halimbawa, Juan 13:15 .
Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay, Juan 14:6 .
Nagdusa rin si Cristo para sa atin, nag-iwan sa atin ng halimbawa, na dapat ninyong sundin ang kanyang mga yapak, 1 Ped. 2:21 .
Maliban ang isang tao ay sumunod sa halimbawa ng Anak ng Diyos na buhay, siya ay hindi maliligtas, 2 Ne. 31:16 .
Nais ko na kayo ay maging ganap na katulad ko, 3 Ne. 12:48 .
Ito ay lagi ninyong gagawin, maging katulad ng aking ginawa, 3 Ne. 18:6 .
Ipinakita ko ang isang halimbawa sa inyo, 3 Ne. 18:16 .
Ang mga gawang inyong nakitang ginawa ko iyon ang gagawin ninyo, 3 Ne. 27:21, 27 .
Ang mga tunay na tagasunod ni Jesucristo ay magiging katulad niya, Moro. 7:48 .
Ang lahat ng tao ay lalapit sa Diyos upang hatulan niya alinsunod sa katotohanan at kabanalang nasa kanya, 2 Ne. 2:10 .
Isang propeta ang ibabangon ng Panginoon sa mga Judio—maging ang Mesiyas, Alma 5:15 (Alma 12:15 ; 33:22 ; 3 Ne. 27:14 ).
Kaluwalhatian ni Jesucristo
Napuno ang tabernakulo ng kaluwalhatian ng Panginoon, Ex. 40:34–38 .
Napuspos ang buong mundo ng kanyang kaluwalhatian, Is. 6:3 (2 Ne. 16:3 ).
Bumangon sa iyo ang kaluwalhatian ng Panginoon, Is. 60:1–2 .
Ang Anak ng Tao ay paparitong nasa kaluwalhatian ng kanyang Ama, Mat. 16:27 .
Luwalhatiin ninyo ako ng kaluwalhatiang natamo ko sa inyo bago pa ang pagkakatatag ng daigdig, Juan 17:5 .
Ang Banal ng Israel ay maghahari sa kanyang dakilang kaluwalhatian, 1 Ne. 22:24 .
Nagkaroon kami ng pag-asa sa kanyang kaluwalhatian, Jac. 4:4 .
Ang Anak ng Diyos ay paparito sa kanyang kaluwalhatian, Alma 5:50 .
Kanyang ipinaliwanag ang lahat ng bagay, mula sa simula hanggang sa kanyang pagparito sa kanyang kaluwalhatian, 3 Ne. 26:3 .
Tatayo ang aking mga apostol na nadaramitan ng kaluwalhatian maging katulad ko, D at T 29:12 (D at T 45:44 ).
Aming namasdan ang kaluwalhatian ng Anak, sa kanang kamay ng Ama, D at T 76:19–23 .
Nakita at nagpatotoo si Juan sa kaganapan ng aking kaluwalhatian, D at T 93:6 (Juan 1:14 ).
Ang kanyang mukha ay nagniningning nang higit pa sa liwanag ng araw, D at T 110:3 .
Nasa akin ang kanyang kaluwalhatian, at namalas ko ang kanyang mukha, Moi. 1:1–11 .
Ito ang aking gawain at aking kaluwalhatian, Moi. 1:39 .
Nagturo si Jesus bilang isang may kapangyarihan, Mat. 7:28–29 (Mar. 1:22 ).
May kapangyarihan ang Anak ng Tao sa mundo na magpatawad ng mga kasalanan, Mat. 9:6 .
Inutusan ni Jesus ang maruruming espiritu nang may kapangyarihan at sinunod siya nila, Mar. 1:27 (Lu. 4:33–36 ).
Inorden ni Jesus ang labindalawa upang magkaroon ng kapangyarihan, Mar. 3:14–15 .
May kapangyarihan ang salita ni Jesus, Lu. 4:32 .
Ipinagkaloob ng Ama sa Anak ang buong paghatol, Juan 5:22, 27 .
Pinahiran ng Diyos si Jesus sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan, Gawa 10:38 .
Inorden sa simula pa si Cristo bago pa sa pagkakatatag ng daigdig, 1 Ped. 1:20 (Eter 3:14 ).
May mga susi si Cristo ng impiyerno at ng kamatayan, Apoc. 1:18 .
Napasailalim kay Cristo ang lahat ng tao, 2 Ne. 9:5 .
Si Jesucristo, ang Anak ng Diyos, ay Ama ng langit at lupa, ang Lumikha ng lahat ng bagay mula sa simula, Hel. 14:12 .
Pumarito si Cristo sa kalooban ng Ama upang gawin ang kanyang kalooban, D at T 19:24 .
Tinanggap ni Jesus ang kaganapan ng kaluwalhatian ng Ama; at tinanggap niya ang lahat ng kapangyarihan, D at T 93:3–4, 17 (Juan 3:35–36 ).
Mga kahalintulad o mga sagisag ni Cristo
Inalay ni Abel ang mga panganay ng kanyang kawan, Gen. 4:4 (Moi. 5:20 ).
Isama mo ang nag-iisa mong anak, si Isaac, at ihain siya para sa isang paghahandog, Gen. 22:1–13 (Jac. 4:5 ).
Inutusan ng Panginoon ang mga anak ni Israel na maghain ng mga tupang walang dungis, Ex. 12:5, 21, 46 (Blg. 9:12 ; Juan 1:29 ; 19:33 ; 1 Ped. 1:19 ; Apoc. 5:6 ).
Ito ang tinapay na ibinigay ng Panginoon sa inyo upang kainin, Ex. 16:2–15 (Juan 6:51 ).
Hampasin mo ang bato, at may dadaloy na tubig mula rito, upang makainom ang mga tao, Ex. 17:6 (Juan 4:6–14 ; 1 Cor. 10:1–4 ).
Babatahin ng kambing sa kanya ang lahat ng kanilang mga kasamaan, Lev. 16:20–22 (Is. 53:11 ; Mos. 14:11 ; 15:6–9 ).
Nagtaas si Moises ng isang ahas na tanso upang iligtas ang mga yaong titingin doon, Blg. 21:8–9 (Juan 3:14–15 ; Alma 33:19 ; Hel. 8:14–15 ).
Nasa tiyan ng isda si Jonas ng tatlong araw, Jon. 1:17 (Mat. 12:40 ).
Mga pagpapakita ni Cristo matapos maging mortal
Nang magbangon si Jesus, una siyang nagpakita kay Maria, Mar. 16:9 (Juan 20:11–18 ).
Lumakad at nakipag-usap si Jesus sa dalawa sa mga disipulo sa daan patungo sa Emaus, Lu. 24:13–34 .
Nagpakita si Jesus sa mga apostol, na dinama ang kanyang mga kamay at paa, Lu. 24:36–43 (Juan 20:19–20 ).
Nagpakita si Jesus kay Tomas, Juan 20:24–29 .
Nagpakita si Jesus sa mga disipulo sa dagat ng Tiberias, Juan 21:1–14 .
Nagministeryo si Jesus ng apatnapung araw pagkatapos ng kanyang pagkabuhay na mag-uli, Gawa 1:2–3 .
Nakita ni Esteban si Jesus na nakatayo sa kanang kamay ng Diyos, Gawa 7:55–56 .
Nagpakita si Jesus kay Saul, Gawa 9:1–8 (PJS, Gawa 9:7 ; Gawa 26:9–17 ).
Nakita si Cristo ng mahigit 500 katao, 1 Cor. 15:3–8 .
Nakita nina Joseph Smith at Sidney Rigdon si Jesus sa kanang kamay ng Diyos, D at T 76:22–23 .
Nakita nina Joseph Smith at Oliver Cowdery ang Panginoon sa Templo ng Kirtland, D at T 110:1–4 .
Mga propesiya hinggil sa pagsilang at kamatayan ni Jesucristo
Isang birhen ang maglilihi at magsisilang ng isang anak, Is. 7:14 (1 Ne. 11:13–20 ).
Lalabas mula sa Betlehem ang isang pinuno sa Israel, Mi. 5:2 .
Si Samuel, ang Lamanita ay nagpropesiya ng isang araw, isang gabi; at isang magdamag na maliwanag; isang bagong bituin; at iba pang mga palatandaan, Hel. 14:2–6 .
Nagpropesiya si Samuel, ang Lamanita ng kadiliman, mga pagkulog at pagkidlat, at pagyanig ng lupa, Hel. 14:20–27 .
Natupad ang mga palatandaan ng pagsilang ni Jesus, 3 Ne. 1:15–21 .
Natupad ang mga palatandaan ng kamatayan ni Jesus, 3 Ne. 8:5–23 .
Paghaharing milenyal ni Cristo
Ibibigay ng Diyos kay Jesus ang trono ng kanyang amang si David, Lu. 1:30–33 .
Maghahari si Cristo ng walang hanggan at walang katapusan, Apoc. 11:15 .
Maghahari ang mga Banal kasama ni Cristo ng isanlibong taon, Apoc. 20:4 (D at T 76:63 ).
Pagpapatotoo kay Jesucristo
Nagpatotoo si Pablo na si Jesus ang Cristo, Gawa 18:5 .
Nagpatotoo maging ang mga espiritung masasama na kilala nila si Jesus, Gawa 19:15 .
Walang taong makapagsasabi na si Jesus ang Panginoon maliban sa pamamagitan ng Espiritu Santo, 1 Cor. 12:3 .
Luluhod ang bawat tuhod at magtatapat ang bawat bibig na si Jesucristo ang Panginoon, Fil. 2:10–11 .
Nangungusap tayo tungkol kay Cristo, nagagalak tayo kay Cristo, nangangaral tayo tungkol kay Cristo, nagpopropesiya tayo tungkol kay Cristo, 2 Ne. 25:26 .
Ang Aklat ni Mormon ay upang hikayatin ang mga Judio at Gentil na si Jesus ang Cristo, 2 Ne. 26:12 (unang pahina sa Aklat ni Mormon ).
Nagpapatotoo ang mga propeta at ang mga banal na kasulatan kay Cristo, Jac. 7:11, 19 .
Hanapin ang Jesus na ito na siyang isinulat ng mga propeta at apostol, Eter 12:41 .
Siya ay aming nakita at narinig ang tinig na nagpapatotoo na siya ang Bugtong na Anak, D at T 76:20–24 .
Ito ang buhay na walang hanggan—na makilala ang Diyos at si Jesucristo, D at T 132:24 .
Naniniwala kami sa Diyos, ang Amang Walang Hanggan at sa kanyang Anak, na si Jesucristo, S ng P 1:1 .
Naniniwala kami na maghahari si Cristo sa mundo, S ng P 1:10 .
Si Cristo bago pa naging mortal
At nagkatawang-tao ang Verbo, at nanahanan sa gitna natin, Juan 1:1, 14 (1 Juan 1:1–3 ).
Bago si Abraham, ay Ako, Juan 8:58 .
Luwalhatiin ninyo ako ng kaluwalhatiang natamo ko sa inyo bago pa ang pagkakatatag ng daigdig, Juan 17:5 .
Tunay na nakita ni Isaias ang aking Manunubos katulad ng pagkakita ko at ng aking kapatid na si Jacob, 2 Ne. 11:2–3 .
Bukas paparito ako sa daigdig, 3 Ne. 1:12–14 .
Nabuhay na si Cristo bago pa sa simula ng daigdig, 3 Ne. 26:5 (Juan 6:62 ).
Katulad ng pagpapakita ko sa iyo magpapakita rin ako sa aking mga tao sa laman, Eter 3:14–17 .
Aking minamahal na Anak, na aking Minamahal at Pinili mula pa sa simula, Moi. 4:2 .
Sinabi ng Panginoon: Sino ang isusugo ko? At ang isa ay sumagot gaya ng Anak ng Tao: Narito ako, isugo ako, Abr. 3:27 .
Taglayin ang pangalan ni Jesucristo sa atin
Walang ibang pangalan ang ibinigay upang tayo ay maligtas, Gawa 4:12 (2 Ne. 31:21 ).
Nagalak ang mga apostol na nabilang silang karapat-dapat sa pagdaranas ng kahihiyan para sa kanyang pangalan, Gawa 5:38–42 .
Ito ang kanyang kautusan, Na dapat tayong maniwala sa pangalan ng kanyang Anak na si Jesucristo, 1 Juan 3:23 .
Magpatotoo na nakahanda kayong taglayin ang pangalan ni Cristo sa pamamagitan ng binyag, 2 Ne. 31:13 .
Nais ko na taglayin ninyo ang pangalan ni Cristo, Mos. 5:6–12 (Mos. 1:11 ).
Sinuman ang nagnanais na taglayin sa kanilang sarili ang pangalan ni Cristo ay sumapi sa simbahan ng Diyos, Mos. 25:23 .
Lahat ng yaong tunay na mga naniniwala kay Cristo ay tinaglay sa kanilang sarili ang pangalan ni Cristo, Alma 46:15 .
Ang pintuan ng langit ay bukas sa mga yaong maniniwala sa pangalan ni Jesucristo, Hel. 3:28 .
Pinagpala siya na matatagpuang tapat sa aking pangalan sa huling araw, Eter 4:19 .
Sila ay pumapayag na taglayin sa kanila ang pangalan ng Anak, Moro. 4:3 (D at T 20:77 ).