Ang matanggap ang Espiritu ng Panginoon ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa puso ng isang tao kung kaya’t nawawalan siya ng pagnanais na gumawa ng masama, sa halip ay nagnanais na hanapin ang mga bagay ng Diyos.
Yaong mga naniwala sa pangalan ni Cristo ay isinilang, hindi ng dugo, kundi ng Diyos, Juan 1:12–13 .
Maliban na ang tao’y ipanganak na muli, ay hindi siya makakikita ng kaharian ng Diyos, Juan 3:3–7 .
Tayo ay maaaring isilang na muli sa pamamagitan ng salita ng Diyos, 1 Ped. 1:3–23 .
Sinuman ang isinilang ng Diyos ay hindi nagpapatuloy sa kasalanan, PJS, 1Â Juan 3:9 .
Sinuman ang isinilang ng Diyos ay dumadaig sa sanlibutan, 1Â Juan 5:4 .
Yaong mga isinisilang kay Cristo ay nakikipagtipan sa Diyos, Mos. 3:19 ; 5:2–7 .
Lahat ng tao ay kinakailangang isilang na muli; oo, isinilang sa Diyos, Mos. 27:25–26 (Alma 5:49 ).
Kayo ba ay espirituwal na isinilang sa Diyos? Alma 5:12–19 .
Kung kayo ay hindi isisilang na muli, ay hindi ninyo maaaring manahin ang kaharian ng langit, Alma 7:14 .