Nehemias
Isang maharlikang Israelita sa Babilonia sa Lumang Tipan (maaaring isang Levita o kaya’y nagmula sa lipi ni Juda) na nagtaglay ng katungkulang tagahawak ng kopa sa korte ni Artajerjes, na kung saan nakatanggap siya ng isang makaharing utos na nagbibigay kapangyarihan sa kanya na muling itayo ang mga muog ng Jerusalem.
Ang aklat ni Nehemias
Ang aklat na ito ay isang pagpapatuloy ng aklat ni Ezra. Ito ay kinapapalooban ng isang ulat ng pag-unlad at mga kahirapan ng gawain sa Jerusalem kasunod ng pagbabalik ng mga Judio mula sa kanilang pagkabihag sa Babilonia. Nasasaad sa mga kabanata 1–7 ang unang pagdalaw ni Nehemias sa Jerusalem at ang muling pagtatayo ng mga muog ng lunsod, sa kabila ng matinding pag-uusig. Inilalarawan sa mga kabanata 8–10 ang mga panrehiliyon at panlipunang pagbabago na sinubukang ipatupad ni Nehemias. Ibinibigay sa mga kabanata 11–13 ang isang talaan ng mga pangalan ng yaong mga karapat-dapat at nagbibigay ng isang ulat ng pag-aalay ng muog. Natatala sa mga talata 4–31 ng kabanata 13 ang pangalawang pagdalaw ni Nehemias sa Jerusalem matapos malayo ng labindalawang taon.