Babaing Balo Tingnan din sa Kapakanan Isang babae na ang asawa’y namatay na at hindi na muling nagpakasal. Ang mga ulila at ang babaing balo ay magsisiparoon at magsisikain, Deut. 14:29. Inihulog ng maralitang babaing balo ang lahat ng mayroon siya, Mar. 12:41–44. Dalawin ang mga ulila at babaing balo sa kanilang kapighatian, Sant. 1:27. Ang Panginoon ay magiging handang saksi laban sa mga yaong nagpapahirap sa mga babaing balo, 3 Ne. 24:5 (Zac. 7:10). Ang mga babaing balo at ulila ay paglalaanan, D at T 83:6 (D at T 136:8).