Isang pangkat ng mga tao sa Aklat ni Mormon, marami sa kanila ay mga inapo ng propetang si Nephi, na anak ni Lehi. Humiwalay sila sa mga Lamanita at sila ay mas mabubuti kaysa mga Lamanita. Gayunpaman, sa huli nilipol sila ng mga Lamanita dahil sa kasamaan.
Humiwalay ang mga Nephita sa mga Lamanita, 2 Ne. 5:5–17 .
Ang lahat ng yaong hindi mga Lamanita ay mga Nephita, Jac. 1:13 .
Ang mga Nephita ay binigyang-sigla ng higit na mainam na dahilan, Alma 43:6–9, 45 .
Hindi pa nagkakaroon ng higit na masayang panahon ang mga Nephita kaysa sa mga araw ni Moroni, Alma 50:23 .
Ang mga Nephita ay naligtas dahil sa mga panalangin ng mabubuti, Alma 62:40 .
Nagsimulang manghina sa kawalang-paniniwala ang mga Nephita, Hel. 6:34–35 .
Nagturo at nagministeryo si Jesus sa mga Nephita, 3 Ne. 11:1–28:12 .
Ang lahat ay nagbalik-loob sa Panginoon at nagkaroon ng pagkapantay-pantay sa lahat ng bagay, 4 Ne. 1:2–3 .
Hindi na nagkaroon ng alitan, ang pag-ibig sa Diyos ay nanahan sa kanilang mga puso, at sila ang pinakamaliligayang tao, 4 Ne. 1:15–16 .
Ang mga Nephita ay nagsimulang maging mapagmalaki at palalo, 4Â Ne. 1:43 .
Ang pagdanak ng dugo at pagkatay ay lumaganap sa ibabaw ng buong lupain, Morm. 2:8 .
Lumubha ang kasamaan ng mga Nephita at tumanggi si Mormon na pamunuan sila, Morm. 3:9–11 .
Ang lahat ng Nephita, maliban sa dalawampu’t apat, ay napatay, Morm. 6:7–15 .
Ang bawat Nephita na hindi itinatwa ang Cristo ay pinagpapatay, Moro. 1:2 .
Ang mga Nephita ay nalipol dahil sa kanilang mga kasamaan at kasalanan, D at T 3:18 .
Mag-ingat sa kapalaluan sa takot na kayo ay maging katulad ng mga Nephita, D at T 38:39 .