Ang pag-oorden ng Diyos bago pa sa buhay na ito ng kanyang magigiting na espiritung anak upang isakatuparan ang mahahalagang misyon sa panahon ng kanilang pamumuhay na mortal.
Inilagay ng Diyos ang mga hangganan ng mga tao, Deut. 32:8 .
Bago kita hinubog sa tiyan ay inorden kitang propeta, Jer. 1:5 .
Itinakda ng Diyos ang mga panahon bago naghirang, Gawa 17:26 .
Sa mga yaong kanyang nakikilala nang una pa, kanya ring itinalaga, Rom. 8:28–30 .
Pinili niya tayo sa kanya bago pa man ang pagkakatatag ng daigdig, Ef. 1:3–4 .
Inorden si Jesucristo bago pa ang buhay na ito na maging Manunubos, 1 Ped. 1:19–20 (Apoc. 13:8 ).
Ang aking minamahal na Anak ay pinili mula pa sa simula, Moi. 4:2 .
Si Abraham ay pinili bago pa man siya isinilang, Abr. 3:23 .