Ezekiel
Isang propetang sumulat ng aklat ni Ezekiel sa Lumang Tipan. Isa siyang saserdote sa mag-anak ni Zadok at isa sa mga Judio na dinalang bihag ni Nabucodonosor. Nanirahan siyang kasama ang mga itinapong Judio sa Babilonia at nagpropesiya sa loob ng dalawampu’t dalawang taon, mula 592 hanggang 570 B.C.
Ang aklat ni Ezekiel
Maaaring hatiin ang aklat ni Ezekiel sa apat na bahagi. Nasasaad sa mga kabanata 1–3 ang tungkol sa isang pangitain sa Diyos at ang pagtawag kay Ezekiel upang maglingkod; sa mga kabanata 4–24, binanggit ang mga hatol sa Jerusalem at bakit ibinigay ang mga ito; ipinahahayag sa mga kabanata 25–32 ang mga kahatulan sa mga bansa; at itinala sa mga kabanata 33–48 ang mga pangitain sa Israel sa huling araw