Mga tagubilin, kautusan, o pahatid mula sa Diyos. Maaaring matanggap nang tuwiran ng mga anak ng Diyos ang kanyang salita sa pamamagitan ng paghahayag na manggagaling sa Espiritu o mula sa kanyang mga piniling tagapaglingkod (D at T 1:38 ).
Ang gabay na bakal ang salita ng Diyos na nagbibigay-daan patungo sa punungkahoy ng buhay, 1 Ne. 11:25 (1 Ne. 15:23–25 ).
Kayo ay manhid, kung kaya’t hindi ninyo madama ang kanyang mga salita, 1 Ne. 17:45–46 .
Sa aba niya na tatanggi sa salita ng Diyos! 2Â Ne. 27:14 (2Â Ne. 28:29 ; Eter 4:8 ).
Magpatuloy sa paglakad, na nagpapakabusog sa salita ni Cristo, 2Â Ne. 31:20 (2Â Ne. 32:3 ).
Dahil sa kanilang kawalang-paniniwala ay hindi nila maunawaan ang salita ng Diyos, Mos. 26:3 (Alma 12:10 ).
Sinaliksik nila nang masigasig ang mga banal na kasulatan, upang malaman nila ang salita ng Diyos, Alma 17:2 .
Subukan ang bisa ng salita ng Diyos, Alma 31:5 .
Inihalintulad ni Alma ang salita ng Diyos sa isang binhi, Alma 32:28–43 .
Anuman ang kanilang sasabihin kapag pinakikilos ng Espiritu Santo ay magiging salita ng Panginoon, D at T 68:4 .
Mabuhay sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos, D at T 84:44–45 .