Mga Tulong sa Pag-aaral
Adan


Adan

Ang unang taong nilalang sa mundo.

Si Adan ang ama at patriyarka ng sangkatauhan sa mundo. Ang kanyang paglabag sa Halamanan ng Eden (Gen. 3; D at T 29:40–42; Moi. 4) ang naging sanhi ng kanyang “pagkahulog” at naging mortal, isang hakbang na kinakailangan upang ang sangkatauhan ay umunlad sa mundong ito (2 Ne. 2:14–29; Alma 12:21–26). Sina Adan at Eva, kung gayon, ay nararapat purihin dahil sa tungkuling kanilang ginampanan upang magkaroon tayo ng walang hanggang pag-unlad. Si Adan ang Matanda ng mga Araw at kilala rin bilang si Miguel (Dan. 7; D at T 27:11; 107:53–54; 116; 138:38). Siya ang arkanghel at muling paparito sa mundo bilang patriyarka ng mag-anak ng tao, bilang paghahanda sa ikalawang pagparito ni Jesucristo (D at T 29:26).