Banal na pamamatnubay na ibinigay sa tao ng Diyos. Madalas magmula ang inspirasyon sa pamamagitan ng Espiritu sa maraming paraan patungo sa isip o puso ng isang tao.
Ituturo ng Espiritu Santo sa inyo ang lahat ng bagay at dadalhin sa inyong alaala ang lahat ng bagay, Juan 14:26 .
Papatnubayan kayo ng Espiritu ng katotohanan patungo sa lahat ng katotohanan, Juan 16:13 .
Ako ay pinatnubayan ng Espiritu, nang sa simula ay hindi pa nalalaman ang mga bagay na nararapat kong gawin, 1Â Ne. 4:6 .
Ang tinig ng Panginoon ay sumaisip ko, Enos 1:10 .
Ang lahat ng bagay na nag-aanyaya at nang-aakit na gumawa ng mabuti ay binigyan-inspirasyon ng Diyos, Moro. 7:13–16 .
Hindi nga ba’t ako ay nangusap ng kapayapaan sa iyong isipan? D at T 6:23 .
Sasabihin ko sa iyo sa iyong isipan at sa iyong puso, D at T 8:2 .
Paliliwanagin ng aking Espiritu ang iyong isipan, na magpupuspos ng kagalakan sa iyong kaluluwa, D at T 11:13 .
Ito ay ibibigay sa iyo sa sandaling yaon kung ano ang iyong sasabihin o isusulat, D at T 24:6 (D at T 84:85 ).
Ang marahan at banayad na tinig ay bumubulong at tumatagos sa lahat ng bagay, D at T 85:6 .