Mga Tulong sa Pag-aaral
Malinis at Hindi Malinis


Malinis at Hindi Malinis

Sa Lumang Tipan, ipinahayag ng Panginoon kay Moises at sa mga sinaunang Israelita na may ilang pagkain lamang ang ipinalalagay na malinis, o sa ibang salita, maaaring kainin. Ang ginawang pagtatangi ng mga Israelita sa malinis at hindi malinis na pagkain ay nagkaroon ng malaking kaugnayan sa kanilang pangrelihiyon at panlipunang pamumuhay. Ilang hayop, ibon, at isda ay ipinalalagay na malinis at maaaring kainin, samantalang ang iba ay hindi malinis at ipinagbabawal (Lev. 11; Deut. 14:3–20). Ang ilang taong maysakit ay ipinalalagay ring hindi malinis.

Sa pananaw na espirituwal, ang maging malinis ay maging malaya sa kasalanan at makasalanang pagnanasa. Sa dakong ito ginagamit ang salita upang ilarawan ang isang taong malinis at may dalisay na puso (Awit 24:4). Ang mga pinagtipanang tao ng Diyos ay palagi nang may mga natatanging tagubilin na maging malinis (3 Ne. 20:41; D at T 38:42; 133:5).