Mga Tulong sa Pag-aaral
Krus


Krus

Ang yaring kahoy kung saan ipinako si Jesucristo (Mar. 15:20–26). Marami ngayon sa daigdig ang umiisip nito bilang sagisag ng pagkakapako ni Cristo sa krus at pagbabayad-salang sakripisyo; gayunman, nagtatag ang Panginoon ng sarili niyang sagisag para sa kanyang pagkakapako sa krus at pagsasakripisyo—ang tinapay at tubig ng sakramento (Mat. 26:26–28; D at T 20:40, 75–79). Sa mga banal na kasulatan, yaong mga nagpapasan ng kanilang krus ay yaong mga nagmamahal nang labis kay Jesucristo kung kaya’t ipinagkakait nila sa sarili ang kasamaan at bawat makamundong pagnanasa at sinusunod ang kanyang mga kautusan (PJS, Mat. 16:25–26).