Ina Tingnan din sa Eva; Mag-anak; Magulang, Mga Isang banal na tawag na tumutukoy sa isang babaing nagsilang o nag-ampon ng mga bata. Tumutulong ang mga ina sa plano ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga katawang mortal sa mga espiritung anak ng Diyos. Tinawag na Eva ni Adan ang kanyang asawa, sapagkat siya ang ina ng lahat ng nabubuhay, Gen. 3:20 (Moi. 4:26). Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, Ex. 20:12 (Ef. 6:1–3; Mos. 13:20). Huwag pabayaan ang kautusan ng iyong ina, Kaw. 1:8. Hinahamak ng mangmang ang kanyang ina, Kaw. 15:20 (Kaw. 10:1). Huwag mong hamakin ang iyong ina kung siya’y matanda na, Kaw. 23:22. Nagsisibangon ang kanyang mga anak at asawa at tinatawag siyang pinagpala at pinupuri siya ng kanyang asawa, Kaw. 31:28. Ang ina ni Jesus ay nakatayo sa malapit sa krus, Juan 19:25–27. Ang dalawang libong mandirigmang Lamanita ay tinuruan ng kanilang mga ina, Alma 56:47 (Alma 57:21). Ang ating maluwalhating Inang si Eva ay kabilang sa mga dakila at makapangyarihan na tinagubilinan ng Panginoon sa daigdig ng mga espiritu, D at T 138:38–39.