Pangitain
Isang nakikitang paghahayag ng ilang mga pangyayari, tao, o bagay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Ang mga sumusunod na halimbawa ay kabilang sa mahahalagang pangitain: Ang pangitain ni Ezekiel tungkol sa mga huling araw (Ez. 37–39), ang pangitain ni Esteban kay Jesus na nakatindig sa kanang kamay ng Diyos (Gawa 7:55–56), ang paghahayag ni Juan tungkol sa mga huling araw (Apoc. 4–21), ang pangitain ng punungkahoy ng buhay nina Lehi at Nephi (1 Ne. 8, 10–14), ang pangitain ng Nakababatang Alma tungkol sa isang anghel ng Panginoon (Mosias 27), ang pangitain ng kapatid ni Jared sa lahat ng nananahanan sa lupa (Eter 3:25), ang pangitain tungkol sa mga kaluwalhatian (D at T 76), mga pangitaing ipinamalas kina Joseph Smith at Oliver Cowdery sa Templo ng Kirtland (D at T 110), ang pangitain ni Joseph F. Smith tungkol sa pagtutubos sa mga patay (D at T 138), ang pangitain ni Moises tungkol sa Diyos at sa kanyang mga nilikha (Moises 1), ang pangitain ni Enoc tungkol sa Diyos (Moises 6–7), ang unang pangitain ni Joseph Smith (JS—K 1).