Limos, Paglilimos Tingnan din sa Ayuno, Pag-aayuno; Kapakanan; Maralita; Pag-aalay Mga handog upang tulungan ang mga maralita. Huwag magbigay ng limos sa harapan ng tao, Mat. 6:1–4 (3 Ne. 13:1–4). Ang maralitang balong babaing ito ay naghulog kaysa sa lahat, Mar. 12:41–44. Lalo pang pinagpala ang magbigay kaysa tumanggap, Gawa 20:33–35. Nais kong ibahagi ninyo ang inyong kabuhayan sa mga maralita, Mos. 4:26. Ang mga tao ng simbahan ay nararapat ibahagi ang kanilang kabuhayan, bawat isa alinsunod sa yaong mayroon siya, Mos. 18:27.