Ang magmuni-muni at mag-isip nang malalim, kadalasan sa mga banal na kasulatan o iba pang bagay na tungkol sa Diyos. Kapag lakip ng panalangin, ang pagbubulay-bulay ng mga bagay ng Diyos ay maghahatid ng paghahayag at pang-unawa.
Habang nakaupo akong nagbubulay-bulay sa aking puso ako’y napasa-Espiritu, 1 Ne. 11:1 .
Ang aking puso ay nagbubulay-bulay ng mga banal na kasulatan, 2Â Ne. 4:15 .
Si Nephi ay humayong nagbubulay-bulay sa mga bagay na ipinakita ng Panginoon, Hel. 10:2–3 .
Magsiuwi sa inyong mga tahanan at pagbulay-bulayin ang mga bagay na aking sinabi, 3Â Ne. 17:3 .
Alalahanin kung gaano naging maawain ang Panginoon, at pagbulay-bulayin ang mga yaon sa inyong mga puso, Moro. 10:3 .
Pagbulay-bulayin ang mga bagay na iyong natamo, D at T 30:3 .
Habang kami ay nagbubulay-bulay sa mga bagay na ito, hinipo ng Panginoon ang mga mata ng aming pang-unawa, D at T 76:19 .
Ako’y umupo sa aking silid na nagbubulay-bulay sa mga banal na kasulatan, D at T 138:1–11 .