Martir, Pagkamartir Isang tao na nag-aalay ng kanyang buhay sa halip na itakwil si Cristo, ang ebanghelyo, o ang kanyang mabubuting paniniwala o mga alituntunin. Ang lahat ng mabuting dugo mula kay Abel hanggang kay Zacarias ay magpapatotoo laban sa masasama, Mat. 23:35 (Lu. 11:50). Sino man ang mawawalan ng kanyang buhay dahil kay Cristo at sa ebanghelyo ay maliligtas ito, Mar. 8:35 (D at T 98:13). At kanilang binato si Esteban, Gawa 7:59 (Gawa 22:20). Kung saan may tipan doon ay kinakailangan ang kamatayan ng gumawa niyon, Heb. 9:16–17. Bumagsak si Abinadi, na nagdanas ng kamatayan sa pamamagitan ng apoy, Mos. 17:20. Ang mga nagbalik-loob na mga Ammonihahita ay itinapon sa apoy, Alma 14:8–11. Marami ang pinatay dahil sa sila ay nagpatotoo sa mga bagay na ito, 3 Ne. 10:15. Sino man ang maghahain ng kanyang buhay para sa aking layunin ay makatatagpo ng buhay na walang hanggan, D at T 98:13–14. Sina Joseph Smith at Hyrum Smith ay mga martir sa panunumbalik ng ebanghelyo, D at T 135. Pinagtibay ni Joseph Smith sa pamamagitan ng kanyang dugo ang kanyang patotoo, D at T 136:39.