Kadiliman, Espirituwal na Tingnan din sa Masama, Kasamaan Kasamaan o kawalang-alam sa mga bagay na espirituwal. Sa aba nila na inaaring dilim ang liwanag, Is. 5:20 (2 Ne. 15:20). Tatakpan ng kadiliman ang lupa, at masalimuot na dilim ang mga tao, Is. 60:2. Bibigyang liwanag ni Jesus ang mga yaong nangalugmok sa kadiliman, Lu. 1:79. Ang ilaw ay lumiwanag sa kadiliman, at ito’y hindi naunawaan ng kadiliman, Juan 1:5 (D at T 45:7). Iwaksi ang mga gawa ng kadiliman at isuot ang baluti ng liwanag, Rom. 13:12. Huwag makibahagi sa mga walang mapakikinabangang gawa ng kadiliman, Ef. 5:8–11. Dahil sa hindi kayo humihingi, hindi kayo nadadala sa liwanag, kundi tiyak na masasawi sa kadiliman, 2 Ne. 32:4. Pinalaganap ni Satanas ang mga gawa ng kadiliman, Hel. 6:28–31. Ang mga kapangyarihan ng kadiliman ay nangingibabaw sa mundo, D at T 38:8, 11–12. Ang buong sanlibutan ay dumaraing sa ilalim ng kadiliman at kasalanan, D at T 84:49–54. Kung ang inyong mata ay nakatuon sa aking kaluwalhatian, walang magiging kadiliman sa inyo, D at T 88:67. Ang mga gawain ng kadiliman ay nagsimulang mangibabaw sa lahat ng anak ng tao, Moi. 5:55.