Ismael, Anak ni Abraham Tingnan din sa Abraham; Agar Sa Lumang Tipan, anak nina Abraham at Agar, ang taga-Egiptong utusan ni Sara (Gen. 16:11–16). Nangako ang Panginoon kapwa kina Abraham at Agar na si Ismael ay magiging ama ng isang malakas na bansa (Gen. 21:8–21). Nagmula ang tipan sa pamamagitan ni Isaac kaysa kay Ismael, Gen. 17:19–21 (Gal. 4:22–5:1). Binasbasan ng Diyos si Ismael na siya ay magkakaanak ng marami, Gen. 17:20. Tumulong si Ismael sa paglilibing kay Abraham, Gen. 25:8–9. Ibinigay ang mga pangalan ng labindalawang anak na lalaki ni Ismael, Gen. 25:12–16. Namatay si Ismael, Gen. 25:17–18. Kinuha ni Esau ang anak na babae ni Ismael, na si Mahaleth, upang kanyang maging asawa, Gen. 28:9.