Job
Sa Lumang Tipan, isang mabuting tao na nagdanas ng napakaraming paghihirap subalit nanatiling matapat sa kanyang pananampalataya sa Diyos. Nasasaad ang kanyang kuwento sa aklat ni Job.
Ang aklat ni Job
Kahit na ang aklat ay tungkol sa pagdurusa ni Job, hindi ito lubusang sumasagot sa katanungan kung bakit si Job (o ang sinumang tao) ay makararanas ng sakit at ng pagkawala ng kanyang mag-anak at ari-arian. Nililiwanag sa aklat na ang pagkakaroon ng kahirapan ay hindi nangangahulugang nagkasala ang isang tao. Maaaring ginagamit ng Panginoon ang kahirapan para makaranas, madisiplina, at matagubilinan gayon din para maparusahan (D at T 122).
Maaaring hatiin ang aklat sa apat na bahagi. Ang mga kabanata 1–2 ay paunang salita sa kuwento. Nasasaad sa mga kabanata 3–31 ang mga pagkakasunud-sunod ng pag-uusap sa pagitan ni Job at ng tatlong kaibigan. Naglalaman ang mga kabanata 32–37 ng mga pangungusap ni Eliu, ang ikaapat na kaibigan, na hinahatulan si Job sa pangangatwirang iba kaysa sa mga pangangatwiran ng mga naunang tatlong kaibigan. Winawakasan sa mga kabanata 38–42 ang aklat sa isang pagbibigay katiyakan kay Job na mabuti ang hakbangin ng kanyang buhay mula sa simula.
Itinuturo sa aklat ni Job na kung ang isang tao ay may wastong kaalaman tungkol sa Diyos at nabubuhay na karapat-dapat sa Diyos, mas makapagtitiis siya sa mga pagsubok na darating sa buhay niya. Ang di matitinag na pananampalataya ni Job ay ipinakilala ng gayong bulalas na “Bagaman ako ay patayin niya, pagkakatiwalaan ko pa rin siya” (Job 13:15). Nabanggit din si Job sa Ezekiel 14:14; Santiago 5:11; Doktrina at mga Tipan 121:10.