Kalimitan ay langis ng olibo ang ibig sabihin tuwing ang langis ay binabanggit sa mga banal na kasulatan. Mula sa mga panahon ng Lumang Tipan, ang langis ng olibo ay ginagamit para sa mga seremonya sa templo at tabernakulo, sa mga pagpapahid, sa pagpapaningas sa mga ilawan, at para sa pagkain. Minsan ang langis ng olibo ay sagisag ng kalinisan at ng Banal na Espiritu at ng impluwensiya nito (1 Sam. 10:1, 6; 16:13; Is. 61:1–3).