Jose ng Arimatea
Si Jose ng Arimatea ay isang kasapi ng Sanedrin, isang disipulo ni Cristo, at isang mayaman at matapat na Israelita na walang bahagi sa pagpaparusa sa ating Panginoon. Pagkatapos ng Ppapako sa krus, hinangad ni Jose na mabalot ang katawan ng Tagapagligtas sa isang malinis na lino at inihimlay siya sa sariling puntod ni Jose na parang kuweba (Mat. 27:57–60; Mar. 15:43–46; Lu. 23:50–53; Juan 19:38–42).