Mga Tulong sa Pag-aaral
Naaman


Naaman

Sa Lumang Tipan, ang kapitan ng hukbo ng hari ng Siria. Isa rin siyang ketongin. Sa pamamagitan ng pananampalataya ng isang tagapagsilbing Israelita, siya ay nagtungo sa Israel upang makita ang propetang si Eliseo. Siya ay napagaling sa ketong sa pamamagitan ng kanyang pagpapakumbaba at paliligo ng pitong ulit sa ilog ng Jordan tulad ng itinagubilin ng propetang si Eliseo (2 Hari 5:1–19; Lu. 4:27).