Ang karapatan at kapangyarihang ibinibigay ng Diyos sa tao upang kumilos sa lahat ng bagay para sa kaligtasan ng tao (D at T 50:26–27 ). Ang mga lalaking kasapi ng Simbahan na nagtataglay ng pagkasaserdote ay pinagsasama-sama sa mga korum at may karapatang magsagawa ng mga ordenansa at ilang mga pangangasiwang tungkulin sa Simbahan.
Akin kayong inorden, Juan 15:16 .
Kayo ay natatayong bahay na ukol sa espiritu, isang saserdoteng banal, 1Â Ped. 2:5 .
Kayo ay isang piling salinlahi, isang makaharing pagkasaserdote, 1Â Ped. 2:9 (Ex. 19:6 ).
Ang mga lalaki ay tinatawag na matataas na saserdote dahil sa kanilang lubos na pananampalataya at mabubuting gawa, Alma 13:1–12 .
Ibinibigay ko sa iyo ang kapangyarihang magbinyag, 3Â Ne. 11:21 .
Magkakaroon kayo ng kapangyarihang ipagkaloob ang Banal na Espiritu, Moro. 2:2 .
Ipahahayag ko sa iyo ang Pagkasaserdote, sa pamamagitan ng kamay ni Elijah, D at T 2:1 (JS—K 1:38 ).
Pinagtibay rin ng Panginoon ang pagkasaserdote kay Aaron at sa kanyang mga binhi, D at T 84:18 .
Ang nakahihigit na pagkasaserdoteng ito ang nangangasiwa sa ebanghelyo, D at T 84:19 .
Kinuha niya si Moises sa kanila, at ang Banal na Pagkasaserdote, D at T 84:25 .
Ang sumpa at tipan ng pagkasaserdote ay inilarawan, D at T 84:33–42 .
Ang pagkasaserdote ay nagpapatuloy sa angkan ng inyong mga ama, D at T 86:8 .
Sa simbahan, ay may dalawang pagkasaserdote, D at T 107:1 .
Ang unang pagkasaserdote ay ang Banal na Pagkasaserdote, alinsunod sa Orden ng Anak ng Diyos, D at T 107:2–4 .
Ang mga karapatan ng pagkasaserdote ay may di mapaghihiwalay na kaugnayan sa mga kapangyarihan ng langit, D at T 121:36 .
Walang kapangyarihan o lakas na maaari o nararapat na panatilihin maliban sa kabanalan ng pagkasaserdote, D at T 121:41 .
Bawat matapat, karapat-dapat na lalaking kasapi ng Simbahan ay maaaring tumanggap ng pagkasaserdote, D at T OP—2 .