Sa simula ng Panahon ng Milenyo, si Cristo ay babalik sa mundo. Ang pangyayaring ito ang magtatakda ng katapusan ng pagsubok sa mundong ito. Ang masasama ay aalisin sa mundo at ang mabubuti ay isasama sa alapaap habang ang mundo ay nililinis. Samantalang walang taong ganap na nakaaalam kung kailan paparito si Cristo sa ikalawang pagkakataon, nagbigay siya sa atin ng mga palatandaan upang bantayan na magpapahiwatig na ang panahon ay nalalapit na (Mat. 24 ; JS—M 1 ).
Ang Anak ng Tao ay paparitong nasa kaluwalhatian ng kanyang Ama, Mat. 16:27 (Mat. 25:31 ).
Tungkol sa araw at oras na yaon walang nakaaalam, kundi ang aking Ama lamang, Mat. 24:36 (D at T 49:7 ; JS—M 1:38–48 ).
Itong si Jesus ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit, Gawa 1:11 .
Ang Panginoon din ang bababa na mula sa langit, 1Â Tes. 4:16 .
Darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw sa gabi, 2Â Ped. 3:10 .
Pumaparito ang Panginoon na kasama ang kanyang mga laksa-laksang banal, Jud. 1:14 .
Pumaparito siyang nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawat mata, Apoc. 1:7 .
Maghanda kayo, maghanda kayo, sapagkat ang Panginoon ay nalalapit na, D at T 1:12 .
Aking ipakikita ang aking sarili mula sa langit sa kapangyarihan, at mananahanan sa mundo ng isanlibong taon, D at T 29:9–12 .
Itaas ang iyong tinig at mangaral ng pagsisisi, inihahanda ang daan ng Panginoon para sa kanyang ikalawang pagparito, D at T 34:5–12 .
Ako si Jesucristo, at ako ay biglang paroroon sa aking templo, D at T 36:8 (D at T 133:2 ).
Nalalapit na ang araw na ako ay inyong makikita, at malalaman na ako nga, D at T 38:8 .
Siya na natatakot sa akin ay maghihintay sa mga tanda ng pagparito ng Anak ng Tao, D at T 45:39 .
Ang mukha ng Panginoon ay mahahawian ng tabing, D at T 88:95 .
Nalalapit na ang dakila at kakila-kilabot na araw ng Panginoon, D at T 110:16 .
Kapag ang Tagapagligtas ay magpapakita, atin siyang makikita nang siya rin, D at T 130:1 .
Ang Tagapagligtas ay tatayo sa gitna ng kanyang mga tao at maghahari, D at T 133:25 .
Sino ito na bumababa mula sa Diyos na nasa langit na may mga tininang kasuotan, D at T 133:46 (Is. 63:1 ).