Si Jesucristo ang dakilang Manunubos ng sangkatauhan sapagkat siya, sa pamamagitan ng kanyang pagbabayad-sala, ay binayaran ang halaga ng mga kasalanan ng sangkatauhan at ginawang mangyari ang pagkabuhay na mag-uli ng lahat ng tao.
Ang pangalang itatawag sa kanya’y Jesus: sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan, Mat. 1:21 .
Ang Anak ng tao ay pumarito upang ibigay ang kanyang buhay bilang pantubos sa marami, Mat. 20:28 (1 Tim. 2:5–6 ).
Ang Panginoon, ang Diyos ng Israel ay dinalaw at tinubos ang kanyang bayan, Lu. 1:68 .
Pinakipagkasundo tayo sa Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ng kanyang Anak, Rom. 5:10 .
Ibinigay ni Jesucristo ang kanyang sarili dahil sa atin, upang tubusin niya tayo sa lahat ng kasamaan, Tit. 2:13–14 .
Si Jesucristo ang naghugas sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang dugo, Apoc. 1:5 .
Ang katubusan ay darating sa at sa pamamagitan ng Banal na Mesiyas, 2 Ne. 2:6–7, 26 .
Ang Anak ang nagdala sa kanyang sarili ng kasamaan at mga pagkakasala ng mga tao, tinubos sila, at binigyang-kasiyahan ang hinihingi ng katarungan, Mos. 15:6–9, 18–27 .
Pumarito si Cristo upang tubusin yaong lahat na magpapabinyag tungo sa pagsisisi, Alma 9:26–27 .
Paparito siya sa daigdig upang tubusin ang kanyang mga tao, Alma 11:40–41 .
Ang katubusan ay dumarating sa pamamagitan ng pagsisisi, Alma 42:13–26 .
Pumarito si Jesucristo upang tubusin ang sanlibutan, Hel. 5:9–12 .
Tinubos ni Cristo ang sangkatauhan mula sa kamatayang pisikal at espirituwal, Hel. 14:12–17 .
Ang katubusan ay dumarating sa pamamagitan ni Cristo, 3Â Ne. 9:17 .
Ako ang siyang inihanda mula pa sa pagkakatatag ng daigdig upang tubusin ang aking mga tao, Eter 3:14 .
Ang Panginoon na inyong Manunubos ay nakaranas ng kamatayan sa laman, D at T 18:11 .
Nagdusa si Cristo para sa lahat kung sila ay magsisisi, D at T 19:1, 16–20 .
Tinubos ang mga bata sa pamamagitan ng Bugtong na Anak, D at T 29:46 .
Isinugo ko ang aking Bugtong na Anak sa daigdig para sa pagtubos ng sanlibutan, D at T 49:5 .
Si Cristo ang ilaw at ang Manunubos ng sanlibutan, D at T 93:8–9 .
Nakatanggap si Joseph F. Smith ng isang pangitain ng pagkatubos sa mga patay, D at T 138 .