Isang punungkahoy sa Halamanan ng Eden at ang paraiso ng Diyos (Gen. 2:9 ; Apoc. 2:7 ). Sa pangitain ni Lehi, ang punungkahoy ng buhay ay sumasagisag sa pag-ibig ng Diyos at ipinalalagay na pinakadakila sa lahat ng kaloob ng Diyos (1 Ne. 8 ; 11:21–22, 25 ; 15:36 ).
Namalas ni Lehi ang punungkahoy ng buhay, 1 Ne. 8:10–35 .
Nakita ni Nephi ang punungkahoy na nakita ng kanyang ama, 1 Ne. 11:8–9 .
Ang gabay na bakal ang nagbibigay-daan patungo sa punungkahoy ng buhay, 1 Ne. 11:25 (1 Ne. 15:22–24 ).
Hinihiwalay ng kakila-kilabot na look ang masasama sa punungkahoy ng buhay, 1Â Ne. 15:28, 36 .
Kinakailangan na magkaroon ng ipinagbabawal na bungang-kahoy na kasalungat ng punungkahoy ng buhay, 2Â Ne. 2:15 .
Lumapit sa Panginoon at kumain ng bunga ng punungkahoy ng buhay, Alma 5:34, 62 .
Kung ang ating mga unang magulang ay nakakain sa punungkahoy ng buhay, sila sana ay naging kaaba-aba magpakailanman, Alma 12:26 .
Kung hindi ninyo aalagaan ang salita, hindi kayo kailanman makapipitas ng bunga ng punungkahoy ng buhay, Alma 32:40 .
Itinanim ng Panginoon ang punungkahoy ng buhay sa gitna ng halamanan, Moi. 3:9 (Abr. 5:9 ).
Pinalayas ng Diyos si Adan mula sa Eden na baka makakain siya sa punungkahoy ng buhay at mabuhay magpakailanman, Moi. 4:28–31 .