Mga Tulong sa Pag-aaral
Jacob, Anak ni Lehi


Jacob, Anak ni Lehi

Isang propeta sa Aklat ni Mormon at ang sumulat ng ilang pangaral sa mga aklat ng 2 Nephi at Jacob (2 Ne. 6–11; Jac. 1–7).

Ang aklat ni Jacob

Ang pangatlong aklat sa Aklat ni Mormon. Nasasaad sa kabanata 1 na ibinigay ni Nephi ang mga talaan kay Jacob at pagkatapos itinalaga si Jacob at ang kanyang kapatid na si Jose upang maging mga saserdote at guro sa mga tao. Ang mga kabanata 2–4 ay mga pangaral na pinaaalalahanan ang mga tao na maging malinis sa moralidad. Nagturo rin si Jacob ng hinggil sa pagparito ng isang mapagtubos na Mesiyas, at nagbigay siya ng mga kadahilanan kung bakit hindi siya tatanggapin ng ilan sa Israel sa kanyang pagparito. Naglalaman ang mga kabanata 5–6 ng patotoo ni Jacob at ng isang talinghagang nagpropesiya sa kasaysayan at misyon ng mga tao ng Israel. Naglalaman ang kabanata 7 ng isang ulat ng isang marunong na taong mapanghimagsik na nagngangalang Serem, na nadaig ng banal na patotoo ni Jacob.