Magbigay ng kaalaman sa iba, lalung-lalo na ang tungkol sa mga katotohanan ng ebanghelyo, at gabayan sila sa kabutihan. Sila na mga nagtuturo ng ebanghelyo ay dapat pinapatnubayan ng Espiritu. Mga guro ang lahat ng magulang sa kanilang sariling mga mag-anak. Dapat na maghangad at maging handa ang mga Banal na tumanggap ng mga tagubilin mula sa Panginoon at sa kanyang mga pinuno.
Nalalaman namin na ikaw ay isang guro na nagbuhat sa Diyos, Juan 3:2 .
Ikaw nga na nagtuturo sa iba, hindi mo tinuturuan ang iyong sarili? Rom. 2:21 .
Ako’y naturuan ng lahat halos ng karunungan ng aking ama, 1 Ne. 1:1 (Enos 1:1 ).
Kinakailangang magturo nang masigasig ang mga saserdote o managot sa mga kasalanan ng tao ng kanilang sariling ulo, Jac. 1:18–19 .
Makinig sa akin, at buksan ang inyong mga tainga, Mos. 2:9 .
Tuturuan ang inyong mga anak na mahalin at paglingkuran ang isa’t isa, Mos. 4:15 .
Huwag pagkatiwalaan ang sinuman na inyong maging guro maliban na siya ay tao ng Diyos, Mos. 23:14 .
Ibinuhos ng Panginoon ang kanyang Espiritu sa lahat ng dako ng lupain upang ihanda ang kanilang mga puso na tanggapin ang salita, Alma 16:16 .
Sila ay nagturo nang may kapangyarihan at karapatan ng Diyos, Alma 17:2–3 .
Tinuruan sila ng kanilang mga ina, Alma 56:47 (Alma 57:21 ).
Yayamang sila ay naghahangad ng karunungan sila ay maaaring turuan, D at T 1:26 .
Turuan ang bawat isa alinsunod sa tungkulin kung saan ko kayo itinalaga, D at T 38:23 .
Magturo ng mga alituntunin ng aking ebanghelyo, na nasa Biblia at Aklat ni Mormon, D at T 42:12 .
Kayo ay kailangang maturuan mula sa kaitaasan, D at T 43:15–16 .
Tuturuan ng mga magulang ang kanilang mga anak, D at T 68:25–28 .
Turuan ninyo ang bawat isa ng doktrina ng kaharian, D at T 88:77–78, 118 .
Magtalaga sa inyo ng isang guro, D at T 88:122 .
Hindi mo tinuruan ang iyong mga anak ng liwanag at katotohanan, at ito ang dahilan ng iyong pagdurusa, D at T 93:39–42 .
Pagtuturo na may Espiritu
Hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu ang sa inyo ay magsasalita, Mat. 10:19–20 .
Hindi baga nag-aalab ang ating puso sa loob natin samantalang binubuksan niya sa atin ang mga banal na kasulatan? Lu. 24:32 .
Ipinangangaral ang ebanghelyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu, 1 Cor. 2:1–14 .