Rigdon, Sidney
Isa sa mga naunang nagbalik-loob at pinuno sa pinanumbalik na Simbahan noong panahong 1830 at 1840. Sandaling panahon na nanungkulan si Sidney Rigdon bilang Unang Tagapayo ni Joseph Smith sa Unang Panguluhan ng Simbahan (D at T 35; 58:50, 57; 63:55–56; 76:11–12, 19–23; 90:6; 93:44; 100:9–11; 124:126). Di naglaon siya ay tumalikod sa katotohanan at itiniwalag noong Setyembre 1844.