Huling Araw, Mga Tingnan din sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo; Palatandaan ng Panahon, Mga Ang panahon natin ngayon. Ang mga araw (o dispensasyon ng panahon) bago ang ikalawang pagparito ng Panginoon. Isasalaysay ko sa inyo ang mangyayari sa inyo sa mga huling araw, Gen. 49:1. Ang Manunubos ay tatayo sa lupa sa huling araw, Job 19:25. Sa mga huling araw, matatayo ang bahay ng Panginoon, Is. 2:2. Sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib, 2 Tim. 3:1–7. Ang mga mangungutya sa huling araw ay magtatatwa sa Ikalawang Pagparito, 2 Ped. 3:3–7. Iprinopropesiya ko sa inyo hinggil sa mga huling araw, 2 Ne. 26:14–30. Sa ganito tatawagin ang aking simbahan sa mga huling araw, maging Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, D at T 115:4. Si Cristo ay paparito sa mga huling araw, Moi. 7:60.