Tumutukoy sa buong sangkatauhan, kapwa lalaki at babae. Lahat ng lalaki at babae ay literal na mga espiritung anak ng Ama sa Langit. Nang sila ay isilang sa lupa, sila ay nakatanggap ng pisikal, mga may kamatayang katawan. Ang mga katawang ito ay nilikha sa larawan ng Diyos (Gen. 1:26–27 ). Ang mga lalaki at babaing matapat sa pagtanggap ng mga kinakailangang ordenansa, tumutupad sa kanilang mga tipan, at sumusunod sa mga utos ng Diyos ay makatatanggap ng kadakilaan at magiging tulad ng Diyos.
Ang tao ay gayon upang sila ay magkaroon ng kagalakan, 2Â Ne. 2:25 .
Ang likas na tao ay isang kaaway ng Diyos, Mos. 3:19 .
Maging anong uri ng mga tao ba dapat kayo? 3Â Ne. 27:27 .
Nalaman ko na ang tao ay walang kabuluhan, Moi. 1:10 .
Ang gawain at kaluwalhatian ng Diyos ay isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao, Moi. 1:39 .
Tao, espiritung anak ng Ama sa Langit
Sila ay nagpatirapa, at nagsabi, O Diyos, ang Diyos ng mga espiritu ng lahat ng laman, Blg. 16:22 (Blg. 27:16 ).
Kayo ang mga anak ng Panginoon ninyong Diyos, Deut. 14:1 .
Kayo ay mga diyos at kayong lahat ay anak ng Kataas-taasan, Awit 82:6 .
Kayo ay mga anak ng buhay na Diyos, Os. 1:10 .
Hindi baga tayong lahat ay may iisang Ama? Tayo ay mga anak ng Diyos, Mal. 2:10 .
Tayo ay anak ng Diyos, Gawa 17:29 .
Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo na tayo ay mga anak ng Diyos, Rom. 8:16 .
Magpasakop sa Ama ng mga espiritu, Heb. 12:9 .
Espirituwal na nilalang ng Diyos ang lahat ng tao, bago sila dumating sa ibabaw ng mundo, Moi. 3:5–7 .
Ako ang Diyos; ako ang lumikha ng daigdig, at ng mga tao bago pa sila napasalaman, Moi. 6:51 .
Tao, may kakayahang maging katulad ng Ama sa Langit
Kayo samakatwid ay magpakaganap, maging gaya ng inyong Ama, Mat. 5:48 (3Â Ne. 12:48 ).
Hindi ba nasusulat sa inyong batas na kayo ay mga diyos, Juan 10:34 (D at T 76:58 ).
Tayo ay maaaring maging mga tagapagmana ng Diyos at kasamang mga tagapagmana ni Cristo, Rom. 8:17 .
Ikaw ay anak, at kung anak, ay tagapagmana ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo, Gal. 4:7 .
Kung siya ay mahayag, tayo ay magiging katulad niya, 1Â Juan 3:2 .
Sa kanya na magtatagumpay ay aking pagkakalooban na umupong kasama ko sa aking luklukan, Apoc. 3:21 .
Ang mga yaong magmamana ng kahariang selestiyal ay mga diyos, maging mga anak ng Diyos, D at T 76:50, 58 .
Sa gayon sila magiging mga diyos, sapagkat taglay nila ang lahat ng kapangyarihan, D at T 132:20 .