Ang bahaging yaon ng daigdig ng mga espiritu na kung saan ang mga matwid na espiritu na lumisan sa buhay na ito ay naghihintay sa pagkabuhay na mag-uli ng katawan. Ito ang kalagayan ng kaligayahan at kapayapaan.
Ang Paraiso ay ginagamit din sa mga banal na kasulatan bilang pagbibigay-kahulugan sa daigdig ng mga espiritu (Lu. 23:43), ang kahariang selestiyal (2 Cor. 12:4), at ang niluwalhating milenyal na kalagayan ng mundo (S ng P 1:10).